Rica at iba pa, inuungkat ang nakaraan alang-alang sa vlog!

Philstar
February 21, 2021

Usung-uso ngayon ang flashbacks ha. Dahil sa rami nang stars na merong vlogs, at dapat pabonggahan ang revelations kaya hayun, kung saan-saan napupunta ang mga topic, pati ang mga bagay na nangyari sa past nila, ibubulgar at ipaaalam sa followers nila.

Nice things, dahil ngayon wala na silang itatago, lahat ay nabubunyag na, kaya nga lang maganda kaya ito para sa mga taong bahagi ng past life nila? Paano kung happily attached na ang mga ito, ‘di kaya magkaroon pa ng conflict?

Saka paano ‘yung present nila, tanggap ba ang mga revelation nila?

Like ‘yung mga sinabi ni Rica Peralejo, ok ba sa bago niyang dyowa ‘yung past nila ni Bernard Palanca? Tanggap ba ni Piolo Pascual ‘yung mga revelation niya?

Ay naku, actually exciting siya dahil nga ang revelation niya ay very private, saka at least from their mouth ang pagtanggap sa issues, no more privacy, i-public na lahat.

Kaya lang, ‘yung mystery nila as a private person wala na rin, tatagal kaya sila ‘pag ganyang nakabuyangyang na ang lahat sa buhay nila. Will they be as exciting as before? Or totally mawawala na ang lahat after the revelation?

Beautederm at Villar Group, walang sinasayang na oras

I can feel talaga ang competence ng mga tao ni Rhea Tan ng Beautederm. Imagine mo na si Mylene pa ang nagpapaalala ng renewal ng contract, at talagang kahit sa Angeles ang office nila, basta may dapat gawin, walang palpak.

Kaloka talaga ang training ni Rhea Tan ng Beautederm, talagang reminded ako sa competence ng Villar girls na talagang on the dot, on the spot at may resulta.

Parang ganun din ang girls ni Rhea Tan ng Beautederm, no delay, on time, hitsurang sa Pampanga ang office nila. The way to success indeed is respect of time and effort, wala dapat sinasayang na oras, wala dapat ‘yung dilly-dally, dapat quick decision, on the spot lahat.

Beauty na, competent pa, ano pa ang haha­napin mo?

Talagang success ang pupuntahan at makukuha.


Related News

Explore more categories