Sharon, may gagawing international movie

Philstar
February 21, 2021

“Si Sharon ba ‘yan? Ang payat!” ang reaksiyon ni Annabelle Rama nang mapanood ang Megastar na si Sharon Cuneta sa live episode kahapon ng ASAP Natin ‘To.

Actually, pati si Ruffa Gutierrez, nagulat din dahil ang laki na talaga ng ipinayat ni Sharon.

Natuloy na si Sharon sa ASAP Natin ‘To dahil nag-promote sila nina Gary Valenciano at Ogie Alcasid ng Your Face Sounds Familiar na nag-pilot telecast na noong Saturday sa lahat ng platforms ng ABS-CBN.

Anyway, isang Team Sharon ang naka-chat ko after ng guesting kahapon ng Megastar sa ASAP Natin ‘To at marami raw kasing gagawing endorsements si Sharon, kaya patuloy ang pagpapapayat. “May international movie pa, kaya dapat payat!” sey pa ng ka-chat ko.

Wow, exciting naman, kahit may COVID-19 pandemic, marami pa ring project si Sharon at may international movie pa!

So, bongga!

Kaya ko nga pala kasama kahapon sina Tita Annabelle, Ruffa, Eddie Gutierrez, Sarah Lahbati at iba pang miyembro ng pamilya Gutierrez ay dahil nag-join ako sa Sunday lunch nila. Kasama rin ni Ruffa ang mga anak na sina Lorin at Venice.

Sa tsikahan namin, topic ang tungkol sa COVID-19 vaccines. Sabi ng mga anak ni Ruffa, willing silang magpa-vaccine kaagad kapag available na.

Tinanong din ako nina Lorin at Venice kung willing ba ako at ang sabi ko sa kanila, since nagta-travel nga ako, magpapa-vaccine rin naman ako.

Mommy nina Toni at Alex, mahilig sa Bible verses

Madalas magpadala ng Bible verses sa akin ang nanay nina Toni at Alex Gonzaga, si Mommy Pinty.

Nabanggit ko nga kay Mommy Pinty na bilib ako sa mga anak niya dahil kahit napakaraming followers sa kanilang social media accounts, hindi isnabera sa entertainment press.

Ang magkapatid ang iilan sa mga artista na marunong kumilala sa tulong ng entertainment press sa kanilang mga proyekto.

May ibang mga artista kasi ngayon na porke maraming followers sa kanilang social media accounts, deadma na sa tulong ng entertainment press, huh!

So nice. ‘Yun na!


Related News

Explore more categories