Baron, mas nakilala na ang sarili

Philstar
February 22, 2021

Mula nang magkaroon ng sariling pamilya ay talagang malaki na ang ipinagbago ni Baron Geisler. Dahil sa pagiging isang ganap na ama ay naiba na ang pananaw ng aktor sa buhay. “Now, family comes first. More than any material things. Family is the most important thing in the world. ‘Yung character ko ngayon, hindi na ako maangas. Maybe kailangan ko ang angas na ‘yan kapag kailangan ng pamilya sa pagbanat ng buto. Dahil may pamilya na ako, ayaw ko na ng gulo, for the sake of my wife and daughter. As much as possible, kung may maghahamon sa akin, tatakbo na lang siguro ako. Ayoko na ng kaaway, especially kung kaibigan natin,” paliwanag ni Baron.

Kasalukuyang nakabase sa Cebu ang aktor kasama ang asawang si Jamie Evangelista at ang anak nilang si Tali. “Sinubukan ko ang simpleng buhay sa Cebu. Sobrang simpleng buhay. It kind of worked. Nakatulong siya magpa-humble sa akin. I learned how to live a simple life. You don’t need a lot to be happy. As long as you have a roof above your head. Food on the table, shoes. Even air conditioning, bonus na lang ‘yan. And good friends are important,” makahulugang pahayag niya.

Maraming mga bagay din ang natutunan ni Baron dahil sa pagkakaroon ng pandemya. “I consider 2020 as a blessing in disguise. Marami akong natutunan. I got to take care of my daughter. Naging hands-on pa kami ng asawa ko. Magkano na ang gatas ngayon? I would monitor and say, ‘Dalawang lata na lang ito. Kailangan na nating bumili.’ I think mas nakilala ko rin ang sarili ko last year. I read a lot of books. Itong nangyari sa atin in this pandemic, dito mo mate-test ang character ng isang tao,” pagbabahagi ng aktor.

Maui, naghahanap lang ng oras para ipatanggal ang boobs implant

Magdadalawang dekada na ang nakalilipas nang magpalagay si Maui Taylor ng breast implant. Matatandaang isa si Maui sa pinakasikat na sexy actress noon. “Noong time namin po na nagse-sexy kami sa pelikula, talagang kailangan meron kang enhancement. Pero ngayon, you can be sexy naman po even without that one eh,” bungad ni Maui.

Ngayon ay mayroon ng dalawang anak ang aktres. Hindi na umano komportable si Maui sa kanyang dibdib kaya nagpaplano nang ipatanggal ang breast implant sa susunod na buwan. “Baka po itong March kasi naghahanap lang po ako ng free time sa schedule ko. It needs kasi at least mga three weeks na healing period. Naiilang na din ako kapag meron akong eksena na naka-bathing suit ako. It’s time to take it down kasi si­yempre meron akong two boys na pinapalaki na sobrang over protective din sa akin,” paglalahad niya.

Para kay Maui ay hindi naman siya nakararamdam ng pagsisisi sa kanyang pagpaparetoke ng dibdib noon. “Kinailangan ko din kasi ‘yon noon as sexy star. Nakadagdag din ‘yon to boost my confidence and wala namang regrets sa naging desisyon ko,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)


Related News

Explore more categories