LOOK: Heart Evangelista, may bongga at unexpected birthday gift

Philippine Entertainment
February 22, 2021

Bukod sa kaliwa’t kanang birthday greetings na kaniyang natanggap, mas pinabongga pa ang ika-36 na kaarawan ng Kapuso star na si Heart Evangelista nang ilabas sa Times Square sa New York City ang kaniyang panibagong digital billboard sa mismong araw ng kaniyang kaarawan.

Isang malaking sorpresa ito para sa aktres na agad niyang ibinahagi sa kaniyang mga fans at followers sa isang Instagram post, What??! What a bday! My second billboard is up on Times Square!!! So grateful!”

Masayang ipinagdiwang ni Heart ang birthday kasama ang asawang si Gov. Chiz Escudero at malalapit na kaibigan.



Samantala, excited na rin ang mga fans sa pagbabalik ni Heart sa TV via the upcoming series ‘I Left My Heart in Sorsogon.’


Related News

Explore more categories