Pacquiao, mag-e-endorse na rin ng ‘beauty’ products?!

Philstar
February 23, 2021

True kayang si Sen. Manny Pacquiao ang next endorser ng Beautederm ni Ms. Rei Tan?

Talagang nasa Beautederm na ang malalaking endorser to date – Marian Rivera, Lorna Tolentino, Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Christopher de Leon, Sylvia Sanchez, Bea Alonzo, at marami pang iba.

Ano kayang i-endorse ng boxing champion?

Anyway, kabilang sa bagong products ng Beautederm ang C’est Clair na super effective sa mga namomroblema sa pimples.

Three to five days lang, tanggal sa C’est Clair.

At ang maganda rito, safe gamitin ng 12 years old and above.

Isa pang, patok ngayon sa market ang Etre Clair refreshing mouth spray na ini-endorse ni Bea Alonzo.

Antibacterial din ito kaya’t nakaka-destroy ng germs kahit na kumakain at umiinom. Puwede itong gamitin ng three times a day.

Alcohol-free din kaya safe sa lahat.

So kailan kaya ipakikilala formally si Sen. Manny ng Beautederm?

By the way, ang Beautederm ang isa sa major sponsors ng second year anniversary ng no. 1 digital talk show na Take It… Per Minute, Me Ganun! nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu.

Episode 89 na ang Take It… Per Minute, Me Ganun! today.

Naalala ko pang si Bam Aquino ang first guest ng programa at wala pa nun si Mr. Fu.

Anyway, dahil anniversary episode special, may pa-games uli today.

Aside from Beautederm items, tatanggap din ang mananalo ng items from Pilipino Star NGAYON and Mondelez Philippines.

Tumutok lang dahil meron kaming mga tanong na kailangan ninyong sagutin na dapat sa bawat sagot ay may kasamang hashtag na #TIPMMGUnlimitedChikaAtSaya #TIPMMGSecondAnnivSpecial #Beautederm.

Bukod pa ito sa mga pasabog na chika at intriga and ,of course, mga blind item din na inaabangan ng lahat.

See yah all later, 12 to 1 p.m. sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON and LatestChika.


Related News

Explore more categories