Nathalie, mas gustong pumatol sa bakla kesa tomboy

Philstar
February 23, 2021

Between lesbian and gay, mas feel patulan ni Nathalie Hart ang bading.

Hindi raw niya ma-imagine na nakikipag-titigan sa isang kapwa babae na may pusong lalaki. Though this Saturday, mapapanood siya sa Maalaala Mo Kaya na isang LGBTQ story, opposite Jane Oineza.

Last Saturday ay nauna na siyang napanood sa Runaway Groom episode ng Wanted - Ang Serye hosted by Raffy Tulfo.

Isa nga si Nathalie sa lucky ngayong new normal dahil sunud-sunod pa rin ang trabaho niya bukod sa business niyang Gayatree Organics na imported products from Taiwan.

FDA approved na raw ito kaya full blast na ang promo nila na kasama sa mga nag-testing ay ang anak niyang si Penelope na two years old at bitbit niya kahapon sa face to face interview sa selected entertainment press.

Anyway, aside from Gayatree, may ginagawa rin siyang movie with Viva Films, Kunwari Mahal Kita, with Ryza Cenon and Joseph Marco at may gagawin rin siyang teleserye sa TV5 with Christopher de Leon, Alma Moreno and Beauty Gonzalez.

 Nag-e-entertain siya ng suitors ngayon pero ayaw pa raw niyang mag-boyfriend after ng experience niya sa ex na aminado siyang hindi consistent ang sustento sa kanilang anak.

IG ni Song Joong-Ki, 1m agad ang followers

Wow, 1 million na agad ang followers ng Instagram account ng Korean actor na si Song Joong-ki, samantalang seven photos pa lang ang laman ng kanyang Instagram account na may administrator pa at hindi personal ang approach.

At ang karamihan sa followers, Pinoy fans kasama na ang local celebrities.

Hahaha.

After ng Descendants of the Sun, Arthdal Chronicles and Nice Guy, trending sa Netflix ang sci-fi film niyang Space Sweepers at ngayon ay trending din ang K-comedy / drama / cynical na Vincenzo na episode 2 pa lang.

Mga sinehan ginagawa nang tindahan ng sapatos, ibang opisyal ng gobyerno buking na hindi pumapasok ng mga sinehan

Buking na hindi nanonood sa mga sinehan ang ibang government officials na panay ang comment na ‘wag munang buksan ang mga sinehan dahil sa banta ng covid-19 na ngayon nga ay mas dumami pa ang nahahawa ng UK variant.

Naririnig ko sa mga interview ng ibang government officials na mabilis magkahawaan sa mga sinehan dahil magkakatabi raw ang mga nanonood.

Bago ang pandemic ay problematic na ang movie industry dahil nga  sa matinding impact sa moviegoers ng streaming platforms kaya marami ay hindi na nanonood sa mga sinehan. Actually, may time noon na 10 lang ang nasa loob ng movie theater.

So ano kaya ‘yung sinasabi nilang magkakadikit ang mga nasa sinehan? Though hindi pa naman talaga safe sa kasalukuyan.

May ilang govt. official naman na aware ha. Sabi ni government official sa isang interview ng ANC ‘may nanonood pa ba sine?’

Anyway, kung sabagay para ngang sa sinasabing pagbubukas ng economy, malabong makatulong ang mga sinehan dahil nga ‘yung ibang mall, isinara ang mga movie theater.

Last week ay napadaan ako sa isang mall. Ginagawa nang tindahan ng sapatos y’ung dalawang theater sa nasabing mall sa QC.

Sad pero ‘yun ang reality.


Related News

Explore more categories