Joshlia, tumulong sa paubaya

Philstar
February 23, 2021

Umabot na ngayon sa 19-million views sa YouTube ang music video ni Moira dela Torre para sa kantang Paubaya kung saan tampok sina Julia Barretto at Joshua Garcia. Nai-upload ang bagong music video nito lamang Valentine’s Day. Mismong si Moira at asawang si Jason Hernandez ang nag-produce nito para sa natu­rang kanta. Ayon kay Joshua ay hindi siya nagdalawang-isip na magbida rito kasama ang dating kasintahan. “’Yung friendship namin nina Moi, Kuya Jason and Julia. ‘Yon ‘yung isa sa nagpa-oo talaga sa akin, seryoso, totoo ‘yun. Si Moi nag-ask sa akin eh. Sabi niya, ‘Okay ka ba to do this Paubaya?’ Napakinggan ko ‘yung kanta. Sabi ko, ‘Ang ganda nito ah, parang saktong-sakto masyado sa amin,” pagbabahagi ni Joshua.

Nakatulong din nina Moira at Jason ang dating magkasintahan upang mas lalong mapaganda ang istorya o ang mga linya sa music video. “May script siya, kami ‘yung gumawa. Ako, si Moi, si Kuya Jason and si Jul. Siyempre may guide kung hanggang saan lang kayo. Pero ‘yung sasabihin as an actor, kung saan ka komportable siyempre. Kung saan mo mararamdaman,” kuwento niya.

Ngayon lamang ulit nagkatrabaho sina Joshua at Julia kaya isang magandang karanasan muli ito para sa dating magkasintahan. “Oo naman, ka-message ko nga si Kuya Jason before the shoot sabi ko sa kanya, ‘Bro, sigurado ako exciting itong mang­yayari.’ Kasi parang doon na lang kami ulit nagsama-sama. Last project naming ginawa na magkakasama is Love You to the Stars and Back, ‘yung Torete ni Moi,” pagtatapos ng aktor.

Assunta at Jules sa amanpulo pala nakabuo!

Halos dalawang dekada ang hinintay ng mag-asawang Assunta de Rossi at Jules Ledesma bago pa nabiyayaan ng anak. Oktubre noong isang taon nang ipanganak ng aktres si baby Fiore. Hindi na raw umaasa si Assunta na mabibiyayaan pa sila ng supling dahil na rin sa tagal nilang paghihintay. “Nag-Amanpulo kami no’ng 37th birthday ko. Pagbalik namin, a week later, nagpa-check up ako kasi nga delayed ako. Na-confirm ko that I was pregnant. Talagang nagulat kaming mag-asawa. In-announce ko sa family ko, pati sila nagulat din naman. It was a pleasant surprise. It was unplanned but not naman unwanted. Kasi it’s been a long time din talaga. Ano bang nagawa ko bakit nangyari ito. I am so thankful,” kuwento ni Assunta.

Para sa aktres ay hindi pala madali ang mga tungkulin ng isang ganap na ina. “Since day one, sleep deprived na talaga ako. Nasasanay din pero there are times na ang hirap. You take it one day at a time talaga kasi if today okay ka, hindi guaranteed na okay ka rin tomorrow. In the beginning iniisip mo, artista ako, sanay ako sa puyatan. Pero pagdating sa baby, pwede mag-shooting na lang ako ulit. Ang breastfeeding po ay nakaka-burn ng maraming calories kaya siya nakakapuyat and of course, kailangan natin ng fuel. So kahit minsan wala tayong ganang kumain, pipilitin nating kumain para mapakain natin nang maayos ‘yung anak natin,” nakangiting pahayag ng aktres. Reports from JCC


Related News

Explore more categories