Bossing Vic ibibida ang kuwento ng buhay!

Philstar
February 23, 2021

Sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng programang Tunay na Buhay, isang espesyal na showbiz icon para sa mga manonood: ang “everybody’s favorite” na si “Bossing” Vic Sotto!

Sa nakalipas na apat na dekada, naging bahagi siya ng buhay ng maraming Pinoy bilang si Victorio Ungasis sa Iskul Bukol, Enteng Kabisote sa Okay Ka, Fairy Ko, Barak Otogan sa Daddy’s Gurl, at siyempre bilang si Bossing sa longest-running noontime variety show na Eat Bulaga.

Sa kauna-unahang pagkakataon, makakapanayam ng Tunay na Buhay ang beteranong aktor at komedyante kung saan ibabahagi niya ang kanyang mga personal na kuwento magmula sa kanyang pagkabata, pagsisimula sa industriya ng showbiz, at mga prinsipyo bilang isang ama.

Makakasama rin sa kuwentuhan ang misis niyang si Pauleen Luna-Sotto, at ibabahagi nila ang ilang detalye tungkol sa kanilang relasyon, maging ang favorite bonding moments nila sa anak na si Tali.

Siyempre pa, hindi rin pahuhuli ang kanyang mga Dabarkads sa pagre-reveal ng mga trivia tungkol sa kanya!

Anu-ano kaya ang ibubuking nila tungkol kay Bossing?

Isa-isahin din kaya ni Bossing ang mga nakarelasyon niya sa showbiz?

Samahan si Pia Arcangel na alamin lahat ng ‘yan sa special 10th anniversary episode ng Tunay na Buhay ngayong Miyerkules (February 24), 11:30 p.m. pagkatapos ng Saksi sa GMA Network.  


Related News

Explore more categories