Bugoy, may futuristic music video para sa kantang Tied

Philstar
February 23, 2021

MANILA, Philippines — Hatid ni Bugoy Drilon ang kuwento ng pag-ibig na mala ‘you and me against the world’ sa music video ng Tied, ang song collaboration niya sa music producer na si Moophs.  

Bagama’t futuristic ang dating ng MV tampok ang mala-alien na ecosystem, bida rito ang dalawang taong nagmamahalan na kinailangang lumayo sa isa’t isa.

Ayon sa writer ng MV na si Dale Reciña mula sa YouMeUs studio, mapapanood sa MV ang pagsubok ng dalawang tao mula sa magkaibang mundo na sinusubok ayusin ang puwang sa pagitan nila.

Alinsunod din ito sa mensahe ng kanta na ayon kay Bugoy ay naglalahad ng emosyong nararamdaman kapag hindi na nasusuklian ang pagmamahal ng isang tao. Masakit daw aniya ito pero kailangang kumapit sa pag-asang may dahilan kaya nangyari ito.

Ang awiting Tied na inilunsad lamang ng Tarsier Records noong nakaraang buwan ay nagtatampok ng lovers rock genre, isang uri ng reggae music.

Nag-debut ang kanta bilang no.1 sa Wave 89.1 D10 countdown noong Enero 15. Halos 300,000 na rin ang streams nito sa Spotify. 

Panoorin ang Tied  official music video sa YouTube channel ng Tarsier Records.


Related News

Explore more categories