Female personality trip na trip makipagtsugian sa matinik na lugar

Philstar
February 23, 2021

Kukulangin pala ang mga upuan ng isang bus kung pasasakayin lahat ang mga nakarelasyon ng isang kilalang female personality.

Seryosohan man o trip-trip lang, kapag pinag-ipun-ipon pala ang mga kalalakihang nakasabay sa pag-akyat sa langit-langitan ng kaligayahan ng babaeng personalidad ay manghihiram sila ng isa pang bus, para lang magkasya ang mga nakachurvahan niya.

“At hindi lang sa kama ‘yun nangyayari, ha? Iba-iba ang venue! Merong sa motorsiklo, merong sa ilalim ng puno, meron ding sa ilalim ng dagat, marami!” napapailing na unang sultada ng aming source.

Kilalang-kilala sa kalikutan sa aparato ang female personality. Maparaan siya para makuha ang atensiyon ng lalaking natataypan niya.

Patuloy ng aming impormante, “Hindi mga beki ang nagpauso ng salitang plantsa-plantsa. Sa kanya ‘yun! Kapag kasama na niya ang guy, e, kumakawala na ang maparaan niyang kamay!

“Plantsa-plantsa na siya kapag ganu’n, kung saan-saan na napupunta ang mga kamay niya, ‘yun ang sign na nang-iimbita siyang makipagtsugihan sa guy!

“Wala siyang pakialam kung anuman ang kartada ng lalaki, kung pamilyado na ba o ano, basta type niya, go lang siya nang go!” dagdag na kuwento pa ng aming source.

Meron siyang nakarelasyong kilalang-kilala sa pagsilip sa mga camera. Siya lang ang naghahabol sa lalaki, gumagawa talaga siya ng paraang magkita sila, heto ang kuwento.

Chika uli ng aming impormante, “Alam n’yo naman ang girl na ‘yun, pa-impress siya! Para bang know it all siya. Tinamaan siya sa guy na pasilip-silip sa camera! Matalino kasi ‘yun!

“Nalukring siya sa guy, para siyang kinakapos sa paghinga kapag hindi sila nagkikita, kaya hitsurang madaling-araw na, nagkikita pa rin sila sa isang malawak na loteng maraming pine tree!

“Ibang klase ang girl na ito, talagang kakaiba ang type niya sa pakikipagchurvahan! Du’n siya happy, walang ibang puwedeng makapagbigay sa kanya ng kaligayahan kundi ang mga karanasang hindi niya makakalimutan!

“Sa ilalim ng pine tree niya gustung-gusto, matinik ang punong ‘yun, di ba, pero wala siyang pakialam! Nakalapat ang likod niya sa matinik na puno, du’n nagaganap ang milagro nila ng lalaking pasilip-silip sa mga camera!

“Nakakaloka! Umuuwi ang girl na puro sugat ang likod niya! Sino ba naman ang hindi masusugatan, e, tumatama sa likod niya ang mga tinik ng pine tree habang bumibiyahe sila sa langit ng guy!

“Ibang klase siya, mas madugo, e, mas gusto niya, ‘yun ang kaligayahan niya talaga! Ayaw niya sa mga kaechosang bed of roses, hindi ‘yun nakakapagpasaya sa kanya!” napakadiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

ASAP, nire-request ‘wag maglagay ng ‘live’

Pagpuna ng isang kaibigan naming tumutok sa ASAP Natin ‘To nu’ng Linggo nang tanghali, “Sana, tanggalin na lang nila ang abisong LIVE! ang show.

“Totoo namang live sila, pero naman, pre-recorded ang mga kinakanta nila! Lip synch, halatang-halata dahil hindi nagsasabay ang buka ng bibig at boses ng mga kumakanta!

“Du’n mo maaalala si Direk Johnny Manahan, gumagana ang utak niya sa pagdidirek, kapag hindi safe ang singer, puro long shot lang ang ibinibigay niya.

“Kapag magaling sa lip synch ang singer, e, saka lang niya binibigyan ng close-up shot. Naku, halatang-halatang LS lang ang mga singers ng ASAP Natin ‘To, buking na buking sila!” madiing obserbasyon ng aming kausap.

Ilang araw bago ang aktwal na show ay pinadadalhan muna ng study tape ng produksiyon ang kanilang mga singers. Kumpleto na ‘yun sa pagkakaareglo.

Pero meron talagang mga sumasablay, kundi nauuna ay nahuhuli ang buka ng kanilang bibig, dahil hindi nila masyadong memoryado ang areglo ng piyesang kinakanta nila.

Ang mahusay pumaraan sa ganu’ng anggulo ay sina Martin Nievera, Erik Santos, Sharon Cuneta, Regine Velasquez at ilang pang female performers.

Ibig lang sabihi’y propesyonal sila, tinututukan nila ang piyesa, alam nila kung kailan sila papasok para hindi halatadong nagli-lip synch lang sila.

Ang madalas na sumasablay kapag nagli-lip synch lang ay ang mga kabataang artista, grabe ang layo ng buka ng bibig nila sa lumalabas na boses sa ere, kinatatamaran nila ang pagmeme­morya ng mga lyrics at areglo ng kanta.

Madali namang gamutin ‘yun para hindi halatado, long shot lang dapat ang ibigay at hindi close-up, direktor ang nagbibigay ng hudyat sa technical director kung anong buton ang pipindutin kaya nasa direktor ang sisi kapag pumapalya ang kanilang mga singers.


Related News

Explore more categories