Klea Pineda, natupad ang pangarap na magpalipad ng eroplano

Philippine Entertainment
February 23, 2021

Dream come true para sa Kapuso actress na si Klea Pineda ang mabigyan ng pagkakataong magpalipad ng isang eroplano. 

Ibinahagi ng Magkaagaw star sa kanyang Instagram account ang ilang snippets ng kanyang training experience habang siya ay nasa cockpit ng isang maliit na eroplano kung saan tinuturuan siya ng isang professional.

“Kahit ano’ng mangyari, huwag na huwag kang titigil mangarap,” caption ng kanyang post.



Hindi ito ang unang beses na ipinahayag ni Klea ang kanyang kagustuhang maging isang piloto. Sa kanyang “Get to know Me Better” vlog, ipinaliwanag ni Klea kung bakit isa ito sa kanyang mga pangarap. “Isa ‘yun sa dream ko na maka-graduate ng aeronautics. ‘Yung pagpi-piloto, gusto kong ma-prove sa mga tao na hindi lang panlalaki ‘yun. Well, marami na rin piloto na babae ngayon and gusto kong maging isa dun. Parang nakaka-proud na nagagawa mo ‘yung akala ng tao before na panlalaki lang talaga.”

Samantala, abangan si Klea sa Afternoon Prime series na Magkaagaw, Lunes hanggang Sabado, sa GMA-7!


Related News

Explore more categories