Sanya Lopez, inaabangan na bilang ‘First Yaya’

Philippine Entertainment
February 23, 2021

Nakatanggap ng papuri at suporta ang Kapuso actress na si Sanya Lopez matapos niyang i-share sa Instagram ang teaser ng inaabangang rom-com primetime series na First Yaya kung saan makakatambal niya si Gabby Concepcion.

Ani ng dating leading man niyang si Benjamin Alves, “Can’t wait to see your comedic hat on! Congrats Sans!”

“Super excited makita ka Sanya as Yaya Melody sa rom-com,” komento ng kanyang fans club na Sanya Warriors.



Handa na ba kayong makilala si Sanya Lopez bilang First Yaya? Abangan yan, malapit na sa GMA Network!


Related News

Explore more categories