‘Prima Donnas,’ nakatanggap ng papuri mula sa GMA Network boss

Philippine Entertainment
February 23, 2021

Bukod pa sa positive feedback mula sa viewers at netizens, nakatanggap din ng commendation at pagbati mula mismo sa GMA Chairman and CEO na si Atty. Felipe L. Gozon ang bumubuo ng recently-concluded top-rating GMA Afternoon Prime series na ‘Prima Donnas’ dahil sa success nito.

Sa kabila ng hirap na dulot ng pandemya sa lock-in taping at overall production ng serye, pinatunayan ng lahat ng bumubuo ng Prima Donnas ang tatak ng pagiging isang Kapuso na pursigidong maghatid ng best entertainment para sa Filipino viewers saan mang panig ng mundo.

Ipinalabas na noong nakaraang Biyernes (February 19) ang finale episode ng serye na talaga namang sinubaybayan at pinag-usapan ng mga manonood. Bukod sa masayang ending na sa wakas ay nakamit na ng mga Donnas na sina Mayi (Jillian Ward), Ella (Althea Ablan) at Lenlen (Sofia Pablo) kasama ang Claverias, hindi nakalampas sa viewers ang matinding pasabog sa ending scene kung saan muling dumilat ang mga mata ni Kendra (Aiko Melendez).



Lalo tuloy lumakas ang sigaw ng viewers at netizens na magkaroon ng book 2 ang Prima Donnas. 

Samantala, nitong Biyernes din ay nagkaroon ng special virtual meeting ang cast kung saan inanunsyo nga ng Prima Donnas senior program manager na si Redgynn Alba at Direk Gina Alajar ang naturang commendation letter na kanilang natanggap mula kay Atty. Gozon. Bukod doon ay may isa pang exciting announcement ang dalawa na talaga namang ikinagulat ng buong cast. 

Tumutok lang ngayong gabi (February 22) sa 24 Oras para malaman kung ano ang big announcement na iyan na hindi dapat palampasin ng avid fans at viewers ng Prima Donnas.


Related News

Explore more categories