Quincy Villanueva, lumisan na sa ‘PBB,’ Yamyam Gucong at Fumiya Sancai, muling ‘Kumunect’ kay Kuya

Philippine Entertainment
February 23, 2021

Tuluyan nang umalis si Quincy Villanueva, ang ‘Brainy Balikbayan ng Laguna,’ sa bahay ni Kuya matapos makakuha ng pinakamababang votes sa naganap na 9th eviction night ng “PBB Connect.”

Nakakuha lamang si Quincy ng 5.84% ng pinagsamang Kumu at text votes, habang nanguna naman sa botohan si Ella Cayabyab na may 14.37% na sinundan nina Kobie Brown, na nakaani ng 12.01%, at Ralph Malibunas, na may 6.81%.

Ani Quincy, ‘dream come true’ ang maging housemate siya ni Kuya kahit madali lang ang kanyang paninirahan sa bahay nito.



“I’ve learned so much about myself and ang dami ko pong natutunan from the rest of the housemates. Thank you for giving me this opportunity,” sambit ni Quincy.

Samantala, may kinalaman naman sa P-Pop ang magiging weekly task ng mga natitirang housemate dahil tampok ngayong linggo sa “PBB Connect” ang dalawang sumisikat na P-Pop groups na BINI at BGYO.

‘Kukunect’ din kay Kuya ang ex-housemates at ‘spiritual brothers’ na sina Fumiya Sankai at “PBB: Otso” Big Winner Yamyam Gucong para magbigay ng saya sa “PBB Connect” ngayong linggo.

Ano kaya ang magiging reaksyon ng housemates sa mga bisita nila?

Tutukan iyan at iba pang mga pangyayari sa “PBB Connect,” 10 pm tuwing Lunes hanggang Sabado sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel. Samahan din sina Bianca at Robi sa “PBB KUMUnect Tayo” ng 10 pm (Lunes hanggang Sabado) at 8:30 pm (Linggo) at sina Melai at Enchong sa “PBB KUMUnect Tayo Afternoon Show” ng 5 pm sa PBB Kumu account (https://app.kumu.ph/PBBabscbn). Abangan din ang updates ni Richard anumang oras sa araw sa “PBB” official accounts sa Facebook (PBBABSCBNTV), Twitter (PBBABSCBN), Instagram (PBBABSCBNTV), at YouTube (Pinoy Big Brother).

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.


Related News

Explore more categories