LOOK: Teejay Marquez, proud na nagpaopera ng dibdib

Philippine Entertainment
February 23, 2021

Habang ang iba ay nagpapadagdag pa nga, iba naman ang ginawa ni Teejay Marquez sa kanyang dibdib.

Sa kanyang Instagram account, proud na ibinalandra ni Teejay ang kanyang selfie bago pa man sumalang sa operasyon. Kwento niya, tatlong taon na ang nakalilipas nang magpacheck-up siya dahil sa pamamaga ng kanyang dibdib at nalamang ito ay gynecomastia.

“Flashback 3 years ago, When I first visited a clinic for a consultation regarding this unusuaI feeling in my chest. Then I was diagnosed with gynecomastia or sometimes referred as “Man Boobs”. It is an increase in the amount of breast gland tissue in men, caused by an imbalance of the hormones estrogen and testosterone. Gynecomastia isn’t a serious problem.”



May mga lalaki talagang meron nito pero dahil madalas sa mga projects ay nakatopless si Teejay, minsan daw ay nahihiya na siya kapag napupuna ang pamumukol ng kanyang dibdib, dahilan para pabawasan niya ito.

“But sometimes I feel embarrassed everytime I received comments and messages regarding this unusual look in my chest. So in the same year I decided to undergone operation to remove the excess fat in my chest. And now I’m here again with my trusted doctor @vicefirmalo for another operation to completely remove scar tissues to refine the shape of my chest. Please pray for the success of my operation today. 🙏”

Kasalukuyang streaming ang movie nila ni Jerome Ponce na ‘BXJ Forever’ kung saan direktor si Easy Ferrer.

Susog naman ng kanyang direktor sa comments sections, “Oo kailangan mo kasi topless ka lagi sa season 3. 🔥🔥🔥”

So may Season 3 nga ang ‘Ben X Jim?’


Related News

Explore more categories