Jhong, nag-hari sa unang linggo ng YFSF

Philstar
February 23, 2021

Naghari ang Sample King na si Jhong Hilario sa kanilang unang sabak sa Your Face Sounds Familiar Season 3 na nagsimula noong Sabado at Linggo (Pebrero 20 at 21) sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.Nakuha ni Jhong ang pinakamaraming boto mula sa mga jury na sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, at Sharon Cuneta,  at maging sa kanyang mga kakompetitsyon dahil sa kanyang saktong panggagaya sa Black Eyed Peas rapper na si Apl.de.ap.

Noong Martes (Pebrero 23), nasa Top 12 pa rin ng mga trending video sa YouTube ang kanyang bersyon ng Bebot na may mahigit 700K views na, habang ang pag-transform ni Lie Reposposa bilang Moira dela Torre ay nakahakot na ng higit sa 900K views. Pinakamababa man ang nakuhang boto, si Vivoree naman ang nagniningning sa YouTube pagkatapos makakuha ng mahigit sa 1.3 milyong views ang pag-awit at sayaw niya ng Tala ala-Sarah Geronimo.

Tulad nila, kinagiliwan rin ng mga tao ang paglabas nina Christian Bables bilang Adam Levine, CJ Navato bilang Jose Mari Chan, Geneva Cruz bilang Jennifer Lopez, Klarisse de Guzman bilang Christina Aguilera, at iDolls bilang Hagibis, kung kaya’t daan-daang libong views din ang nakuha nila sa YouTube.


Related News

Explore more categories