Mega magiging bahagi ng bagong chapter ng buhay ni Ara

Philstar
February 23, 2021

Abala na ngayon si Ara Mina sa paghahanda para sa nalalapit nilang kasal ng kasintahang si Dave Almarinez. “Nasa planning stage na kami for the wedding at isa ‘yon sa pinagkakabisihan ko ngayon. We are planning kasi to have a church, garden wedding,” bungad ni Ara.

Matatandaang nag-propose ang nobyo sa aktres kamakailan lamang. Ayon kay Ara ay talagang hindi niya inakalang mangyayari pa ito sa kanyang buhay. “Wala talaga akong alam. Sobrang shock ako. Sino ba namang mag-iisip na do’n sa city hall siya magpo-propose? Wala pa akong nakikitang gano’n. Mahilig akong manood ng mga proposal at wedding videos pero walang gano’n. Usually sa restaurant, garden or mall or kung anu-anong gimik. Pero sa city hall, parang wala pa akong nakitang gano’n,” paglalahad niya.

Isa sa mga magiging ninang ng aktres at dating pulitiko sa kasal ay si Sharon Cuneta. Para kay Ara ay parang kapatid na ang turingan nila ng Megastar simula noon pa man. “Para sa ilang hindi pa nakakaalam, sobrang close kasi sa akin ni Ate Sharon na magiging Ate Ninang ko na. Nag-uumpisa pa lang ako sa showbiz noon pero ipinaramdam niya sa akin ‘yung love. Napakalaki niyang artista pero pumayag siya na maging ate ko kaya gusto kong maging part siya ng bagong chapter ng buhay ko,” paliwanag ng aktres.

Dianne, nagbago na ang priorities

Anim na buwan na ang nakalilipas nang ipanganak ni Dianne Medina ang kanilang panganay ni Rodjun Cruz. Katulad ng mga ibang nanganak ay nakaranas umano ng postpartum depression ang aktres. “Kasi ‘yung iba siyempre we go through postpartum. And what I like about that is we can also promote self-worth and self care through healthy lifestyle. So ‘yon  naman ‘yung gusto natin na maka-inspire din ng mga mommies na kung nagagawa natin na mas maging maayos ang mga pangangatawan natin,” pahayag ni Dianne.

Malaki naman ang pasasalamat ng aktres dahil nalampasan niya ang naranasang depresyon. “Nagkaroon ako ng several anxiety attacks, postpartum depression. But you know with the support system of my family, most especially my husband is very loving and supportive. I was able to overcome everything,” kuwento niya.

Malaki na rin ang ipinagbago ng pananaw sa buhay ni Dianne mula nang maging isang ganap na ina kay Joaquin. “Everything really changes. Priorities, everything kasi dati it’s everything me and Rodjun, all about my career, work as a host and as an events company owner. Ngayon it revolves around my son. Lahat ng oras ko, siya muna bago ang ibang bagay,” pagtatapos ng aktres.  Reports from JCC


Related News

Explore more categories