Amy, pinanindigang ‘wag munang Magtrabaho

Philstar
February 23, 2021

Ewan ko ba kung bakit lahat ng alok na serye ngayon kay Amy Austria ay ayaw niyang gawin. Enjoy na enjoy siya sa beach house nila sa Batangas, at gto na niya na doon mag-stay habang may pandemic.

At ang ginagawa niya araw-araw eh lumakad at maligo sa beach, gumawa ng daing at magluto.

Halos magwa-one year na siya roon, mula nang pumutok ang COVID-19 dahil feeling niya safe haven ang beach house niya at malayo sa virus ng corona.

Grabe, talagang pinanindigan niya na magtatrabaho lang siya ‘pag nagkaroon na ng bakuna ang lahat at ‘pag medyo humupa na nang konti ang pandemic. Bongga siya, dahil work from home at may signal naman sa Lobo, Batangas, sila ng asawa na si Duke ay doon na talaga naka-base.

Wow, talagang buhay-probinsiya na si Amy, kasi naman talagang simple lang ang buhay na gusto niya kaya masaya siya na nagagawa niyang huminto ‘pag gusto niya at magtrabaho uli kung kelan niya gusto.

Her time depends on what she wants to do with it, and that is what she wanted to do now, enjoy her time with Duke.

Bongga, honeymoon stage ang dating.

Benjie, natupad ang gustong katahimikan

Parang feel na feel ko ang happiness kay Benjie Paras dahil sa na­ging tahimik na ang dati ay medyo controversial situation niya.

Isa si Benjie sa mga alaga ko na talagang very domesticated at family man. Isa siyang attentive father sa lahat ng mga anak niya, at makikita mo talaga ang concern niya sa mga ito.

Nakita ko rin naman how his kids adored and respected him, at appreciative sila sa na­ging pag-aalaga ni Benjie sa kanila.

Now, you can see that the storm is over, everybody happy at tahimik ang lahat. Kaya naman nakakatuwa dahil ito naman talaga ang wish ni Benjie, maging happy ang lahat, maging tahimik ang pag-uusap, maayos ang mga gusot,  at mabuhay nang sama-sama at hindi nag-aaway.


Related News

Explore more categories