Daniel ramdam na handa nang maging mrs. Padilla si Kathryn

Philstar
October 7, 2020

Hawak na ang kanilang pera

Gusto na ring mag-asawa ni Daniel Padilla bago siya mag-30 years old. Ito ang sinabi ng actor nang tanungin kung kailan niya gustong magpakasal sila ni Kathryn Bernardo. “Not soon pero soon. Ganoon na lang. Sana three to four years from now.

“Ayoko na masyado patagalin na umabot na sa range ng 30s, kasi ‘pag tumapak na sa 30, ang bilis na naman, e. Sana before 30, maging swabe na ang lahat at matuloy ang kasal,” banggit ni DJ.

Twenty five years old na ngayon si Daniel na maghahatid ng kakaibang musical experience sa kauna-unahan niyang virtual concert na pinamagatang Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience. Mula sa produksyon ng Star Events ng ABS-CBN at ng production house ni Daniel na Johnny Moonlight, eksklusibong mapapanood ang Apollo sa KTX.ph sa darating na Linggo (Oktubre 11).

Inamin ng homegrown ABS-CBN artist na nung una ay ayaw niyang gawin ang digital concert na ito. “Pero pumayag na ‘ko kasi na-realize ko na hindi naman ‘to para sa ‘kin, para sa mga kasama ko, ‘yung supporters,” pahayag niya at para na rin daw bigyan niya ng hope ang fans na alam niyang hindi madali ang pinagdaraanan sa kasalukuyan.

Magbabalik-tanaw si Daniel sa kanyang matagumpay na journey bilang singer at performer sa Apollo sa pamamagitan ng pag-awit sa mga pinasikat niyang kanta, paboritong classics, at iba pa habang inaalala ang una niyang Daniel: Live! concert noong 2013 at D4 concert na ginanap noong 2018. “Siyempre it’s very different dahil unang-una wala ‘yung fans na talagang tumatangkilik ‘pag may concert tayo, pero siyempre gusto pa rin natin ibigay yung feeling na ‘yun virtually,” paliwanag ni Daniel.

Pero kinakausap pa raw niya ang production kung puwedeng kahit ilan lang ay merong live audience na sisiguraduhin nilang susunod sa health protocol. Kasama siyempre sa manonood ng live si Kathryn.

“I think it’s a new gate to open. Kahit ako gumagamay-gamay pa. Gusto lang natin buksan ‘yung bagong gates para sa mga susunod pang magko-concert, na it’s possible.”

Anyway, binanggit din ni Daniel sa virtual presscon the other night for Apollo na maghihintay sila hanggang maging ok uli ang ABS-CBN at wala sa plano nila ang lumipat ng channel tulad sa ibang artista ng network. “I can wait, you know. Kaya kong maghintay. It’s not the end of me kapag lumipat na ako or something. I can wait hanggang makabangon ang ABS-CBN dahil naniniwala ako na babangon tayong lahat.Trabahuhin natin na mabuhay uli ang ABS-CBN. Kasi iba rin naman ang binigay nilang ginhawa sa pamily ko. Malaki ang utang na loob namin sa ABS-CBN,” seryosong sabi ni Daniel na umamin ding nilapitan nila ang mga bossing ng network at nagtanong kung may magagawa o maitutulong sila para maayos ang pinagdaraanan ng network.

“Yung buhay ko nagbago 180 degrees. Nakakatulog nang maigi ang pamilya ko ngayon dahil sa mga ibinigay ng ABS-CBN na proyekto sa akin,” banggit niya pa.

Umamin din ang actor nagkaroon siya ng stress mentally during the lockdown dahil hindi siya sanay na ganun tapos dumating pa ang nangyari sa kanyang home network.

Kaya naman importante na andiyan ang kanyang pamilya at si Kathryn na ramdam niyang handa nang maging misis niya.

Feel na feel daw nila ‘yung adulting stage sa nangyayaring health crisis. “Ramdam na namin, lalo na nitong nag-lockdown. Tumatanda na ako, ganoon na ‘yung na-pi-feel mo,” sabi pa niya lalo pa nga at sila na ang nagha-handle ng finances nila.

“Doon ko nakikita kay Kathryn na handa na siya maging asawa ko!” tumatawang sabi pa ng actor.

Anyway, bisitahin ang ktx.ph para sa tickets ng Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience sa halagang P499.

Angel at Juday, kasama na sa A2Z

Magsisimula na ang live episode ng It’s Show-time ngayong Oktubre 10 at ang ASAP Natin ‘To sa Linggo (Oktubre 11) sa bagong A2Z Channel 11 analog TV.

Magkakaroon naman ng teleserye marathon ng FPJ’s Ang Probinsyano, Ang Sa Iyo ay Akin, at Walang Hanggang Paalam ngayong weekend (Oktubre 10 at 11) bago ang pagpapalabas ng bagong episodes gabi-gabi simula Lunes (Oktubre 12).

Sa mga susunod na linggo, masusubaybayan na rin sa A2Z channel 11 ang Paano Kita Mapasasalamatan at Iba ‘Yan nina Judy Ann Santos and Angel Locsin.

Mapanood din sa nasabing channel ang live na kwentuhan sa Magandang Buhay, ang hulaan at kantahan sa mystery game show na I Can See Your Voice, at MMK.

Magpapalabas din sila ng mga pelikula at educational programs na mag-uumpisa na ngayong araw.

Una nang ipinahayag ng ABS-CBN na ipapalabas na ang ilan sa mga programa nito sa bagong A2Z channel 11 bilang bahagi ng kasunduan nito sa Zoe Broadcasting Network Inc.


Related News

Explore more categories