Derek taga-tikim ng mga binebenta ni Andrea

Philstar
November 3, 2020

Isa ang Kapuso actress na si Andrea Torres sa mga celebrity na nagsimula ng kanilang food business sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Inilunsad ni Andrea ang Family Favorites na nago-offer ng iba’t ibang Pinoy dishes (but with a twist).

Ikinuwento ni Andrea sa Kapuso Brigade Zoomustahan na tinutulungan siya ng kanyang boyfriend na si Derek Ramsay sa pag-manage ng kanyang business.

“Natikman niya lahat ‘yon bago ko talaga nilalabas. Kahit itong mga bagong nilabas ko, pinapatikim ko muna sa kanya saka sa family niya. Kasi every Sunday, may gathering kami. So, dinadala ko du’n tapos hinihingi ko nga ‘yung mga reaksyon nila,” aniya.

Dagdag pa ng Kapuso star, si Derek din daw ang nakakatulong sa kanyang kumalma tuwing siya ay nai-stress.

“Ako kasi mahilig ako mag-plan ng mga bagay-bagay. Siya ‘yung nagpapaalala sa akin na relax ka lang, okay lang ‘yan kasi ako kapag medyo may hindi lang nasunod sa plano, minsan nagpa-panic na ‘ko. Siya ‘yung bumabalanse sa akin.”


Related News

Explore more categories